Paslit binigti, patay
March 6, 2005 | 12:00am
Malaki ang paniniwala ng pamilya ng 10-taong gulang na bata na binigti ito at hindi nagbigti nang matagpuang nakabitin sa kanyang kuwarto sa Quezon City.
Tuluyan nang binawian ng buhay noong Marso 2 dakong alas 9 ng gabi sa Chinese General Hospital ang biktima na si Marvin Correa ng 7-B Tagaytay St. Brgy. San Jose, ng nasabing lungsod.
Batay sa imbestigasyon ni PO2 Ronnie Pascua ng Central Police District-Criminal Investigation Unit (CPD-CIU), naganap ang insidente noong Marso 1 sa loob mismo ng kuwarto ng biktima sa pagitan ng alas 4:30 hanggang alas-5:30 ng hapon.
Nabatid na natagpuan ang biktima ng kanyang pinsang si Joseph delos Reyes na nakabigti ng kurdon ng plantsa. Samantalang ang kapatid nito na limang taong gulang ang kasama ng biktima sa bahay.
Ayon kay Pascua, malaki ang posibilidad na binigti ang bata dahil na rin sa sistema ng pagkakatali ng kurdon sa leeg nito at pagkakasabit sa pintuan ng kuwarto.
Sinabi naman ng kapatid ng biktma na isang lalaki na malaki ang tiyan ang pumasok sa kanilang bahay at hinalughog ang loob ng kabinet.
Posibleng nakita ito ng biktima at lumaban dahil mayroon ding pasa sa noo ang una.
Patuloy pa rin ang pangangalap ng ebidensiya ng mga awtoridad upang matukoy ang salarin. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended