^

Metro

1 pang suspect sa Betty Sy kidnap-slay,sumuko

-
Isa pang babae na sangkot sa Betti Sy kidnap-slay ang sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) matapos na mabalitaan ang naunang pagsuko rin ng isa pang babae na kasamahan niya sa sindikato.

Nakilala ang sumukong suspect na si Baby Tamayo, residente ng Heritage Subdivision, Brgy. Gregorio, Trece Martirez, Cavite. Kilala rin ito sa alyas na Baby China sa kanilang lugar.

Si Tamayo ang isa sa positibong kinilala ng naunang sumukong si Editha Demol na kasamahan niya sa sindikato ng ‘Waray-Waray Gang’

Inamin ni Tamayo na pag-aari umano niya ang bahay na doon isinagawa ang pagpaplano sa pagkidnap sa Coca-Cola lady executive na si Sy. Nakita pa rin umano niya na inilabas ang katawan ni Sy sa bahay at isinakay sa isang sasakyan.

Nabatid pa rin na karamihan sa mga miyembro ng sindikato ay kamag-anak ni Tamayo. Tulad ni Demol, sinabi rin ni Tamayo na napilitan na siyang sumuko dahil sa pagbabanta sa kanyang buhay. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BABY CHINA

BABY TAMAYO

BETTI SY

DANILO GARCIA

EDITHA DEMOL

HERITAGE SUBDIVISION

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SI TAMAYO

SY

TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with