Umihi sa pader tinusok ng ice pick
() - December 27, 2000 - 12:00am
Isang 30-anyos na lalaki ang nasawi matapos tusukin ng ice pick ng kanyang kapitbahay dahil sa pag-ihi nito sa pader kamakalawa sa San Andres Bukid, Maynila.

Namatay noon din ang biktima na nakilalang si Ernesto Santilices, may asawa, walang hanapbuhay at nakatira sa #2915 St., San Andres Bukid bunga ng maraming tama ng ice pick sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Benjamin Casulla, 38, may asawa, ng nabanggit ding lugar na tumakas matapos ang isinagawang krimen.

Nabatid sa pagsisiyasat na habang masayang nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kamag-anak bandang alas-2:40 ng hapon sa loob ng kanyang bahay ng makaramdam ito ng ‘tawag ng kalikasan.’

Hindi na lumayo pa ang biktima at agad na umihi ito sa pader na di-kalayuan sa kanilang bahay.

Nakita naman ito ni Casulla at agad na nilapitan ang biktima, sinita at pinagsabihan.

Agad na nagtalo ang dalawa at kasunod nito, hinugot ni Casulla ang dalang ice-pick at walang sabi-sabing inundayan ng sunud-sunod na saksak ang biktima. (Ellen Fernando)

BENJAMIN CASULLA CASULLA ELLEN FERNANDO ERNESTO SANTILICES ISANG MAYNILA SAN ANDRES BUKID
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with