^

PM Sports

Yulo target gold sa Asiad floor exercise

Chris Co - Pang-masa
Yulo target gold sa Asiad floor exercise
Tumapos ng ika-6 puwesto ang men’s team nina Carlos at Eldrew Yulo, Juancho Miguel Besana Zachary Nunez at Justine Ace De Leon sa team men’s all-around final gymnastics event ng 20th Asian Games.
POC Pool

MANILA, Philippines — Puntirya ni Paris Olympics double gold medalist Carlos Yulo na masungkit ang kanyang unang gintong medalya sa 2026 Asian Games sa paglarga ng men’s floor exercise finals ngayong araw sa Nagoya, Japan.

Inaasahang sesentro ang spotlight kay Yulo na magtatangkang masikwat ang unang ginto ng Team Philippines sa Asian Games.

Nakatakda ang finals sa alas-4 ng hapon sa Nagoya City General Gymnasium Rainbow Hall.

Paborito si Yulo na magkampeon matapos ang impresibong ipinamalas nito sa qualifying round noong Lunes.

Nakalikom si Yulo ng 14.600 puntos upang makuha ang top spot.

Makakasama ni Yulo ang nakababatang kapatid nito na si Karl Eldrew na nakapasok din sa finals.

Nagtala si Eldrew ng 13.966 puntos para sa ikaanim na puwesto sa qualifying.

Makakalaban ng Yulo brothers sa finals sina reiging Asian Games champion Ryu Sunghyun ng South Korea, Shoma Tsukiyama ng Japan, Sun Wei ng China, Shinnosuke Oka ng Japan, Milad Karimi ng Kazakhstan at Zhang Boheng ng China.

Itong Asian Games na lamang ang wala sa listahan ni Caloy.

Nagkampeon na ito sa Olympic Games, World Championships, Asian Championships at Southeast Asian Games.

Target ni Carlos na masundan ang nagawa ni Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz na nagkampeon sa lahat ng nagturang events.

Sasabak pa si Carlos sa finals ng vault at pa­rallel bars na idaraos sa Biyernes.

Makakasama ni Carlos sa finals ng vault si Juancho Miguel Besana.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with