Tamaraws, Green Archers lalapit sa F4 spot
MANILA, Philippines — Ang mahalagang panalo ang pakay ng Far Eastern University at nagdedepensang De La Salle University para makalapit sa dalawang natitirang tiket sa Final Four sa UAAP Season 89 men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.
Kakalabanin ng Tamaraws ang National University Bulldogs ngayong alas-2:30 ng hapon, habang kabanggaan ng Green Archers ang University of the Philippines Fighting Maroons sa alas-6 ng gabi.
Magkasalo sa No. 3 spot ang FEU at La Salle na may parehong 7-5 karta, habang siksikan sa top spot ang NU at UP na may magkatulad na 9-3 record.
Puntirya ng Bulldogs at Fighting Maroons na selyuhan ang ‘twice-to-beat’ incentive na ibibigay sa top two teams pagkatapos ng double elimination round.
Kasama rin sa usapang Final Four ang nag-uumentong University of Santo Tomas na nasa pang-limang puwesto sa kanilang 7-6 karta.
Nakatakdang harapin ng Growling Tigers ang laglag nang Adamson Falcons sa Miyerkules.
Ang panalo ng FEU at La Salle ay magbibigay sa kanila ng siguradong puwesto sa playoff sa F4.
Ang pagkatalo ng Tamaraws at Green Archers ay maaaring magresulta sa three-way tie kasama ang Growling Tigers.
“If we wanted to belong in the Final Four, we have to beat those teams that were there last year,” sabi ni FEU coach Sean Chambers.
- Latest

















