John, nanggigil sa mga pet crematorium!

Naalala ko na naman si Nay Lolit Solis. Kasama niya sa nitso ang paborito niyang alagang aso na si Jokjok.
Ito ay matapos sumabog ang ginagawa ng isang pet crematorium sa Cavite na itinatapon lang pala ang mga aso at pusa sa bakanteng lote sa Bulacan at hindi naman kini-cremate.
At isa sa talagang naapektuhan dito ay ang actor na si John Arcilla na anak na ang turing sa mga alaga niyang aso.
“Lahat ng dogs ko were cremated after they crossed the rainbow bridge. Eleven na sila, and by God’s grace, they all passed away due to old age. Some got sick, but certainly because of old age as well. So, how can I confirm if all those urns contain the remains of my rightful furbabies? KAILANGAN ma-investigate lahat ng pet crematoriums at ma-double-check ang kanilang facilities kung able and capable ba silang mag-operate. Kung hindi at kahina-hinala ang kanilang operations, DAPAT IPA-CLOSE ITO, at makulong ang mga may pananagutan, kasama ang staff na mga accomplice,” umpisa niya sa unang post.
“HINDI ITO OVERREACTION. We pay a good sum for these services, out of love for our pets, whom we consider members of our families. May mga crematorium na may sariling FARM LOTS, pwede sila maglibing doon at bigyan kami ng generic na abo, who would know. Sorry, hindi kami maghihinala kung walang nangyaring ganito.
“This is JOHN ARCILLA, one with fur parents who consider their pets part of the family.”
Nagtagpuan ang 29 na aso at pusa na itinapon sa San Jose del Monte, Bulacan, na nakuha na ng kani-kanilang mga may-ari.
Ang mga namatay na alagang hayop ay iniulat na dinala sa Ahjay Paws Aftercare Pet Crematorium sa Bacoor City, Cavite, ngunit kalaunan ay natagpuan sa loob ng mga sako na itinapon sa isang bakanteng lote sa Barangay Minuyan Proper, San Jose del Monte.
Nagpahabol din ng post ang actor matapos madiskubre na meron pang ibang dog crematorium na wala ring maayos na facilities at itinatapon lang.
“DALAWA PANG DUMPSITES of dead Pets in plasic bags ANG NATAGPUAN. Mula sa Animal Kingdom Foundation ang ulat na ito, ang source ay LUNA and FURRY SIBLINGS. Salamat din sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS) sa panawagan ng malawakang imbestigasyon sa lahat ng mga Pet Crematorium.
‘Hindi maaaring walang MAPARUSAHAN SA KRIMEN NA ITO.
“Magsama-sama tayo para sa usaping ito, mga biktima at maaaring biktima na hindi natin nalaman o maaari pang maging biktima dahil hindi na INSPECT ng MAAYOS ANG IBA PANG EXISTING PET CREMATORIUM na ayaw nating pagbintangan pero posibleng may mga KAKULANGAN din sa PASILIDAD,” bahagi pa ng pangalawang post niya.
Sa totoo lang, ang mahal magpa-cremate ng aso. Dapat din sigurong magkaroon ng inspection ang iba pang mga pet crematorium para malaman kung saan din nila dinadala ang mga kawawa nating mga alaga na pumanaw.
- Latest





















