^

Punto Mo

Engineer sa UK, gumawa ng higanteng hair dryer!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG engineer na Youtuber ang ginawaran ng Guinness World Records title matapos gumawa ng higanteng hairdryer na halos kasinglaki ng isang tao!

Si Ruth Amos, na may-ari ng Kids Invent Stuff YouTube channel kasama si Shawn Brown, ang nasa likod ng record-breaking creation na binigyan ng Guinness ng titulong “largest hairdryer” kung saan humigit-kumulang walong beses itong mas malaki kaysa sa ordinaryong hairdryer.

Nagsimula ang proyekto matapos magsagawa ang Kids Invent Stuff at Guinness World Records ng contest kung saan hinikayat ang mga batang edad apat hanggang 11 na magsumite ng ideya para sa susunod nilang record-breaking invention. Mahigit 5,000 entries ang natanggap, kabilang ang giant lion na naglalabas ng chicken nuggets at world’s longest car. Sa huli, napili ang ideya para sa oversized hairdryer.

Tatlong linggo itong binuo sa kanilang workshop sa Sheffield, South Yorkshire. Gumamit ang team ng metal ventilation ducts at aluminium straps para buuin ang pangunahing bahagi nito. Nilagyan din ito ng 14 cans ng expanding foam at 12 liters ng car body filler bago tinakpan ng resin at fibreglass, saka pinakinis at pininturahan.

Sa laki nito, kailangan ng apat na tao o engine hoist para mabuhat ang hairdryer.

Hindi lamang naman ito pang-display lang dahil gumagana talaga ang device. Mayroon itong industrial fan at dalawang malalaking oven heater elements, at gumagamit ng humigit-kumulang 5,000 watts.

Ayon kay Amos, mabilis at epektibo nitong natutuyo ang buhok. Galing ang winning idea sa dalawang batang sina Kiki at Thea, na umaasang magiging sapat ang lakas nito para makapagpatumba ng upuan at magamit din bilang leaf blower.

Para kay Amos, layunin ng kanilang mga proyekto na ipakita sa mga bata na ang engineering ay hindi lamang tungkol sa equations at textbooks, kundi maaari ding maging creative, imaginative at masaya.

GUINNESS WORLD RECORD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with