^

Bansa

Ebidensya sa 3 artikulo vs Sara, iti-turnover sa Ombudsman

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Ebidensya sa 3 artikulo vs Sara, iti-turnover sa Ombudsman
Vice President Sara Duterte
AFP / Jam Sta Rosa

MANILA, Philippines — Iti-turnover ng prose­cution panel sa Office of the Ombudsman ang mga ebidensyang naiprisinta laban kay Vice President Sara Duterte sa Senate impeachment court upang magamit sa pagpapatuloy ng mga imbestigasyong may kaugnayan sa posibleng pananagutang kriminal.

Ayon kay House prosecutor Joel Chua, kabilang sa mga rekord na isusumite ang mga ebidensya para sa Article I na tumatalakay sa confidential funds, Article III na may kaugnayan sa bribery, at Article IV na grave threats. Ang mga ito ay kabilang sa mga artikulong inalis na sa pagdinig ng Senate impeachment court.

Sinabi ni Chua na susunod sila sa panawagan ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na isumite ang mga dokumento at rekord kaugnay ng kwestiyonableng paggamit umano ng confidential funds ng Bise Presidente.

Samantala, nais umano ng Ombudsman na lalong palalimin ang imbestigasyon matapos ibasura ng Commission on Audit (COA) ang motion for reconsideration ng kampo ni Duterte sa P73.287 milyong disallowed confidential expenses noong Disyembre 2022 na ipinag-utos na isauli.

Sa ruling ng COA, binanggit ang kakulangan umano ng mga resibo at iba pang dokumento para sa naturang mga gastusin. Inimbestigahan din si Duterte kaugnay ng umano’y hindi wastong paggamit ng P612.5 milyong confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education.

Binigyang-diin ni Chua na ang pagbawi sa usapin ng confidential funds sa impeachment trial ay hindi nanga­nga­hulugang ititigil na ang paghahabol sa mga alegasyon ng maling paggamit ng pondo ng bayan at iba pang kaugnay na kaso.

OMBUDSMAN

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with