^

Bansa

Chinese Embassy, bukas sa pakikipagpulong ni Pangulong Marcos kay Ambassador Jing

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Chinese Embassy, bukas sa pakikipagpulong ni Pangulong Marcos kay Ambassador Jing
President Ferndinand Marcos Jr.
RTVM

MANILA, Philippines — Malugod na tinanggap ng Chinese Embassy sa Maynila ang posibilidad ng harapang pagpupulong nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Chinese Ambassador Huang Xilian Jing Quan kasunod ng tensyon na dulot ng mga pahayag ng envoy hinggil sa posibleng sigalot militar sa pagitan ng China at Pilipinas.

Sa isang Facebook post, sinabi ng embahada na inaasahan ni Ambassador Jing ang pagkakataong makapagpalitan ng pananaw sa Pangulo kaugnay ng ilang sensitibo at mahahalagang usapin.

“We welcome such good opportunity of face-to-face communication,” ayon sa embahada.

Ayon pa rito, mahalagang matalakay kung paano maiiwasan ang mga hakbang na maaaring magtulak sa relasyong bilateral ng dalawang bansa sa isang mapanganib na sitwasyon, bagama’t hindi nito tinukoy ang mga taong tinutukoy sa pahayag.

“Ambassador Jing looks forward to exchanging views on certain important and sensitive issues with the President, especially how to prevent some indivi­duals from pushing bilateral relations into a dangerous situation,” dagdag ng embahada.

Noong Biyernes, sinabi ni Marcos na nais niyang makausap si Jing upang malinawan ang mga naging pahayag nito tungkol sa kakayahan ng militar ng China.

“Well, it sounds very much to me like a threat, and it is not a very diplomatic statement to be made. So, we perhaps would like to understand what exactly it is that he means,” ani Marcos.

Nais ding maunawaan ni Marcos ang ibig sabihin ni Jing nang sabihin nito na madaling mananaig ang China sakaling gumamit ito ng puwersa laban sa Pilipinas.

“If we want to use force, we may easily win. But no, we will not use force. You know, we love peace,” pahayag ni Jing sa isang panayam sa Quezon City noong Huwebes.

“I think that deserves a discussion between the ambassador and myself,” dagdag pa ng Pangulo.

CHINESE EMBASSY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with