^

Police Metro

Malakanyang: Huwag mag-panic sa Super El Niño “

Pang-masa

MANILA, Philippines — Huwag mag-panic sa gitna ng paparating na Super El Niño phenomenon.

Ito ang naging payo ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na hindi kaila­ngang mag-panic tulad ng mga nakikita sa social media, kundi kailangang lang na maging handa.

Ayon pa kay Castro, nakahanda ang pamahalaan sa sinasabing phenomenon dahil hindi naman ito bago sa Pilipinas dahil nagkaroon na rin ng Task Force El Niño.

Kaya kung mas ma­tindi aniya ang magi­ging epekto ngayon ng El Niño ay dala ito ng climate change, subalit nakahanda naman ang gobyerno at marami na rin programa ang naumpisahan ­maging mga ayuda para sa ­mangingisda at mga magsasaka.

Hindi naman masi­guro ni Castro kung hindi magkakaroon ng water crisis tulad nang naranasan noong 2019 dahil sa ngayon ay wala pa silang nababalitaan na kakulangan sa suplay ng inuming tubig.

EL NINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with