^

PSN Palaro

Paalam itotodo lakas para sa Asiad gold

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Paalam itotodo lakas para sa Asiad gold
Carlo Paalam
STAR / File

MANILA, Philippines — Ibubuhos na ni Carlo Paalam ang lahat ng itinatago nitong alas para masikwat ang gold medal sa 2026 Asian Games bo­xing competitions sa Nishio Gymnasium sa Nagoya, Japan.

Ngunit daraan sa butas ng karayom si Paalam dahil makakalaban nito sa men’s 55kg division gold-medal match si hometown bet Rui Yamaguchi ng Japan.

Nakatakda ang finals sa alas-12:45 ng tanghali.

Kailangan ni Paalam na maitala ang isang impresibong knockout win upang walang maging aberya sa pagkopo nito ng ginto.

Kaya naman ikinasa na ng coaching staff ang magiging game plan ni Paalam upang pigilan ang anumang pagtatangka ng Japanese fighter.

Target ni Paalam na tuldukan ang 16 na taong paghihintay ng boxing team sa gintong medalya.

Matatandaang noong 2010 edisyon pa sa Guangz­hou, China huling nakasungkit ng ginto ang boxing squad mula kay Rey Saludar.

Nakapasok si Paalam sa finals nang gulantangin nito si two-time world champion Makhmud Sabyrkhan ng Kazakhstan via split decision sa kanilang semis match.

Nanawagan si Paalam sa buong sambayanan para suportahan ito sa kanyang laban.

“One last push. One last fight! Please continue to pray for me and support me until the very finals. With faith, determination, passion and a grateful heart, let’s bring home the Gold for the Philippines,” dagdag ni Paalam.

Si Paalam na lamang ang bukod-tanging Pinoy boxer na natira sa torneo matapos masibak ang iba pang miyembro ng national team kabilang na si Tokyo Olympics silver medalist at Paris Olympics bronze medalist Nesthy Petecio.

CARLO PAALAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with