^

Police Metro

17-anyos kolehiyala, patay sa King Cobra!

Joy Cantos - Pang-masa
17-anyos kolehiyala, patay sa King Cobra!
Ang nasawing biktima ay kinilalang si Aiko Pantaleon,1st year sa kursong Bachelor of Science in Business Administrarion sa Davao Oriental State University sa San Isidro campus.
File

MANILA, Philippines — Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang 17-anyos na estudyanteng babae matapos itong matuklaw ng “king cobra” na naligaw sa loob ng kanilang tindahan sa Brgy. Bato-Bato, San Isidro, Davao Oriental.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Aiko Pantaleon,1st year sa kursong Bachelor of Science in Business Administrarion sa Davao Oriental State University sa San Isidro campus.

Sa ulat na tinanggap ng Office of Civil Defense (OCD) Region XI nangyari ang insidente nitong Setyembre 20 sa tindahan na pag-aari ng pamilya ng biktima sa nasabing lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagwalis ang biktima sa paligid ng kanilang tindahan matapos na isang kapitbahay ang bumili ng shampoo.

Pagbalik niya sa tindahan ay hindi umano napansin na may nakapasok na banakon o “king cobra” na bigla itong tumuklaw sa kaniyang tuhod.

Nakasigaw pa ng tulong ang biktima bago ito tulunang nanghina na pinaniniwalaang kumalat ang kamandag ng ahas sa katawan.

Nagawa pa itong maisugod sa pagamutan, pero makalipas lamang ang ilang oras ay dumaing na nahihirapang huminga hanggang sa tuluyan itong pumanaw.

Labis na nagdadalamhati ang pamilya ng biktima dahilan marami umano itong pangarap sa buhay kaya nagsusumikap sa pag-aaral, pero ang lahat ng ito ay hindi na matutupad.

Hinanap ng mga kapitbahay ang “king cobra” at nang matagpuan ay agad na ito ay pinatay.

Kaugnay nito, umapela naman ng tulong ang pamilya ng estudyante para sa pagpapalibing sa labi nito.

PATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with