^

Police Metro

33% Pinoy, umaasang gaganda ang ekonomiya sa loob ng isang taon — SWS

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa 33% adult Filipinos ang umaasang gaganda ang ekonomiya ng bansa sa susunod na 12 buwan, ayon sa Social Weather Stations (SWS).

Batay sa survey na isinagawa noong Hunyo 20?29, 2026, 24% naman ang nagsabing lalala ang ekonomiya, habang 32% ang naniniwalang mananatili itong pareho. May 11% na hindi sumagot.

Nagtala ang net economic optimism ng +10, na ikinategorya ng SWS bilang “fair.” Mas mataas ito ng 24 puntos kumpara sa -14 noong Marso 2026.

Pinakamataas ang net optimism sa Balance Luzon sa +18, sinundan ng Visayas sa +6, Mindanao sa +4 at Metro Manila sa -6.

Ayon sa SWS, tumaas ang net economic optimism? sa lahat ng education groups, ngunit pinakamataas ito sa mga walang pormal na edukasyon o hindi nakatapos ng elementarya.

Isinagawa ang survey sa face-to-face interviews sa 1,200 respondents, tig-300 mula sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao. May sampling error margin na +3% para sa national results at +6% sa bawat rehiyon.

SOCIAL WEATHER STATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with