Remulla, Trillanes tetestigo vs VP Sara ‘unexplained wealth’
MANILA, Philippines — Ihaharap ng prosecution team bilang kanilang witness sa Article 2 o unexplained wealth at non-disclosure ng Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sina Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla at dating Sen.Antonio Trillanes IV.
Ito ang sinabi ni House prosecutor at Manila 3rd District Rep. Joel Chua dahil handa na ang prosecution panel sa pagbusisi sa “unexplained wealth” ni VP Sara at mister nitong si Atty. Mans Carpio kung saan ay mahigit sa 1,8000 ang pinansiyal na dokumentong ebidensya habang nasa 25 naman ang potensiyal na testigo na nasa kanilang lineup na sisimulang litisin sa Lunes, Setyembre 14, 2026.
Kasama din sa mga witnesses ng prosecution panel ang opisyales ng Bureau of Internal Revenue, Philippine Stock Exchange (PSE), Anti-Money Laundering Council (ALMC) at mga opisyales ng iba’t ibang bangko kung saan may mga account ang Bise Presidente at mister nitong si Carpio.
“This will be one of the strongest.And if ibe-base n’yo nga po doon sa Committee on Justice hearings before, ito iyong parang ano,noong time na na-present iyong mga records na ito, ito iyong parang time na nanlamig iyong buong hearing,” wika naman ni Deputy Speaker Paolo Ortega V.
Sa rekord ng prosecution panel ang SALNs ni VP Duterte mula 2019 hanggang 2024 kung saan nitong 2024 SALN ay nagdeklara lamang ito ng net worth na P 88.5 milyon at zero cash on hand sa mga bangko nito.
- Latest




















