^

Probinsiya

Welder nakuryente habang may kinukumpuni, tepok

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang welder na diumano’y nakuryente habang tinatapos ang kaniyang trabaho, sa Teresa, Rizal, noong Sabado ng tanghali.

Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang biktimang kinilalang si Alexander Bacus Libunfacil Jr.

Sa ulat ng Teresa Municipal Police Station, inireport ng isang Glenda Aragon, kaibigan ng biktima, ang insidente na naging dahilan ng pagkasawi ng biktima.

Dakong alas-12:00 ng tanghali ng Mayo 11, sa Sitio Canlibot, Brgy. Bagumbayan, Teresa, Rizal, nang maganap ang insidente.

Sa naging salaysay sa pulisya ng katrabaho na si Paul Gripo, niyaya niya ang biktima na mananghalian na sila subalit hindi pa umano iniwan ang ginagawa ng huli, sa pagsasabing “Mauna na kayo tatapusin ko lang yung ginagawa ko, susunod na ako agad”. 

Nauna nang kumain si Gripo at iba pang kasabay kumain at nang matapos ay pinuntahan ang biktima na ikinagulat nila.

Walang malay ang biktima habang may nakapulupot sa katawan na kawad ng kuryente kaya agad na pinatay ni Gripo ang power ng welding machine at isinugod ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan subalit bigo nang umabot ng buhay.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with