^

Probinsiya

4 nag-iinuman niratrat ng M16, todas

John Unson - Pilipino Star Ngayon
4 nag-iinuman niratrat ng M16, todas
Sa mga hiwalay na pahayag nitong Lunes ng Tantangan Municipal Police Station at ng South Cotabato Provincial Police Office, agad na namatay ang mga magsasakang sina Jerry Tabamo Yuarata, Ronald Orin Vallespin, Argie Villas Villorente at Marcelo Barnachea Combiz sanhi ng naturang pamamaril na nagsanhi ng pagkasugat ng kanilang kasamang si Freddie Reyes Tabamo.
STAR/File

COTABATO CITY, Philippines — Patay ang apat na nag-iinuman sa Barangay Dumadalig sa Tantangan, South Cotabato nang walang habas silang paulanan ng bala ng M16 assault rifles ng hindi pa nakikilang mga salarin nitong gabi ng Linggo.

Sa mga hiwalay na pahayag nitong Lunes ng Tantangan Municipal Police Station at ng South Cotabato Provincial Police Office, agad na namatay ang mga magsasakang sina Jerry Tabamo Yuarata, Ronald Orin Vallespin, Argie Villas Villorente at Marcelo Barnachea Combiz sanhi ng naturang pamamaril na nagsanhi ng pagkasugat ng kanilang kasamang si Freddie Reyes Tabamo.

Agad namang naisugod ng mga barangay officials at mga pulis sa ospital si Tabamo na isa ring magsasaka.

Ayon sa mga imbestigador ng Tantangan Municipal Police Station at mga opisyal ng local go­vernment unit ng naturang bayan, nag-iinuman sa isang bahay sa Purok 5 Luayon, Barangay Dumadalig ang limang magkaibigan nang dumating ang kalalakihang may mga bitbit na M16 assault rifles at agad silang pinagbabaril.

Mabilis na tumakas ang mga pumatay sa mga biktima at walang mga kapitbahay at mga barangay tanod ang nagtangkang humabol sa kanila dahil sa takot na pati sila ay idamay na pagbabarilin.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with