'Alert levels' vs COVID-19 ipatutupad na sa ilang probinsya simula bukas
MANILA, Philippines — Sisimulan nang ipatupad ang panibagong "alert levels" laban sa COVID-19 pandemic labas sa National Capital Region, bagay na naglalayong magluwag sa muling pagtakbo ng ekonomiya habang hinihigpitan lang ang maraming infections at overwhelmed ang health system.
Ito'y matapos aprubahan ng pandemic task force ng gobyerno ang IATF Resolution 144-D, ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, Lunes.
"Simula bukas, a-bente ng Oktubre, ay in-expand na po ang alert level systems sa labas ng Metro Manila," wika ni Roque sa isang media briefing kanina.
"Magtatagal po ito hanggang katapusan, Oktubre a-trenta'y uno, 2021."
Alert Level 4 (pinakamahigpit):
- Negros Oriental
- Davao Occidental
Alert Level 3:
- Cavite
- Laguna
- Rizal
- Siquijor
- Davao City
- Davao del Norte
Alert Level 2:
- Batangas
- Quezon Province
- Lucena City
- Bohol
- Cebu City
- Lapu-lapu City
- Mandalue City
- Cebu Province
- Davao de Oro
- Davao del Sur
- Davao Oriental
Wala pang inilalagay na probinsya, highly urbanized centers (HUCs) o independent component cities (ICCs) sa pinakamaluwag na Alert Level 1 (pinakamaluwag), bagay na ibababa lang sa isang erya kung:
- mabakunahan na ang 70% ng mga A2 (senior citizens) at A3 (people with comorbidites) sa lugar
The IATF has expanded the implementation of alert level scheme outside Metro Manila @News5PH @onenewsph pic.twitter.com/XGduKwyrpH
— Maricel Halili (@halili_maricel) October 19, 2021
Labas sa mga nabanggit na lugar sa itaas, iiral pa rin ang nakagawiang "community quarantine" restrictions laban sa COVID-19.
Kasalukuyang nakalagay sa Alert Level 3 ang Metro Manila hanggang ika-31 ng Oktubre. Dahil diyan, pinapayagan na ang limitadong pagbubukas nang mas maraming establisyamento rito, gaya ng mga sinehan.
Sa kabila ng ito, Department of Health (DOH) pa rin ang magdedesisyon kung anong parte ng mga nabanggit na mga lugar sa itaas ang pwedeng ilagay sa pinakamahihigpit na "granular lockdowns," para hindi na magsara ng buo-buong mga probinsya o lungsod kaugnay ng COVID-19.
Nalilito pa rin kung anu-ano ang pinapayagan at ipinagbabawal sa bawat alert level system? Basahin ang gabay na ito ng Philstar.com.
Sa huling ulat ng DOH nitong Lunes, aabot na sa 2.72 milyon ang nahahawaan ng COVID-19. Hindi naman pinalad ang 40,761 sa kanila, dahilan para sila'y pumanaw sa virus. — James Relativo at may mga ulat mula sa News5
- Latest