Madaling magsawa sa boys
Dear Dr. Love,
Ako si Fina, 22-anyos, single at isang call center agent. Ang problema ko, mabilis akong magsawa sa mga nagiging boyfriend ko. Sa edad kong ito, umabot na sa 19 ang naging boyfriend ko.
Ang pinakamatagal kong naging relasyon ay noong 19-anyos ako. Siya ang una kong boyfriend at mahal na mahal ko siya. Tumagal kami ng isang taon, pero sobra akong nasaktan nang makipaghiwalay siya sa akin.
Mula noon, wala na akong naging matagal na karelasyon. May mga pagkakataong dalawang linggo pa lang ay nakikipaghiwalay na ako kapag may napansin akong kahit maliit na kapintasan sa isang lalaki. Hindi naman ako playgirl at hindi ko intensiyong paglaruan ang damdamin ng iba. Sa tuwing sasagutin ko ang isang lalaki, totoo ang nararamdaman ko para sa kanya. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit mabilis ding nawawala ang damdaming iyon.
Fina
Dear Fina,
Posibleng hanggang ngayon ay dala mo pa rin ang sakit ng naging paghihiwalay ninyo ng una mong boyfriend. Maaaring hindi mo namamala-yan na ikinukumpara mo sa kanya ang mga lalaking nakikilala mo ngayon.
Dahil dito, kapag may nakita kang kata-ngiang hindi tugma sa hinahanap mo, mabilis kang nawawalan ng gana sa relasyon.
Panahon na rin marahil para tuluyan mong bitawan ang nakaraan at bigyan ang sarili mo ng pagkaka-taong mag-move on.
Marami pang mabubuting lalaki ang maaari mong makilala, at sa tamang panahon, maaaring matagpuan mo rin ang taong tunay na babagay sa iyo at mamahalin mo nang pangmatagalan.
Dr. Love
- Latest
















