39 bahay sa Muntinlupa, nasunog
MANILA, Philippines — Tinatayang nasa 54 pamilya o 171 indibidwal ang apektado ng naganap na sunog nitong Huwebes sa Barangay Alabang, Muntinlupa City.
Sa ulat ng Muntinlupa City Fire Station, nagsimula ang sunog bandang alas-6:16 ng gabi sa Purok 4 Extension, Alabang, na umakyat lang sa unang alarma alas-6:23 ng gabi.
Pagsapit ng alas-7:17 ng gabi at idineklarang fire under control at tuluyang naapula alas-7:55 ng gabi.
Nasa kabuuang 26 na truck ng bumbero na kinabibilangan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at volunteers at nagtulong-tulong para maapula ang apoy na tumupok sa 30 kabahayan.
Patuloy pang inaalam ang sanhi ng sunog at halaga ng napinsalang ari-arian.
- Latest






















