‘More-raming Salamuch!’
ME, STARZAN - Joey de Leon (The Philippine Star) - December 19, 2015 - 9:00am

Nasa kalagitnaan na ang Simbang Gabi,

Ilang maagang gising pa ang mangyayari,

Masakit sa may opisina pa at klase,

Back to sleep pag bitin madalas yummy kasi!

 

At d’yan nakakalamang kaming nasa TV

Na simula ng trabaho pa’y alas dose!

Ang magpuyat sa gabi pa nga’y pwedeng-pwede,

“Nasaan ang hustisya?!” Sigaw ng marami!

 

Halos apat na dekadang ganito siste!

‘Di naman umaangal at ‘di nagsisisi,

Sa’n ka naman makakakita ng ganire?

Three hours of work a day lang … pagkain pa’y libre!

 

Tapos na rin ang Eat Bulaga Christmas party,

Isang okasyong excited kami parati,

Pagkatapos n’yan kanya-kanya munang byahe,

S’yempre ang ilan may … separation anxiety?!

 

Ngeks naman! He, he, he … may “sepanx” pa ang dyaske?

‘Kala mo naman attached na attached verily

Sa mga KaDabarkads at mga kakampi,

O atat na atat lang talagang to break free?!

 

Of course ‘yung iba bonding muna sa family,

‘Yun iba pa-bondying muna sa lovey-dovey!

Ngeks! At kayo sa never-ending Kalyeserye!

The Best Of at kasama pa rin naman kami!

 

At bago pa wishes na New Year maging Happy,

Panahon na muna upang magmuni-muni,

Magpasalamat sa waring pa-easy-easy

Na trabahong HINDI trabahong masasabi!

 

Maraming salamat po at mapalad kami

Na mabiyayaan ng isang pagsisilbi

Na tila ba huntahan lang sa tabi-tabi

At kalahok pa’y halakhak, ngiti at ngisi!

 

At salamat din po nang maraming-marami

Sa hinandog Ninyo sa aming Kalyeserye,

Sa lahat ng tauhan dito at kasali,

At sa totoo lang po … KINIKILIG kami!

 

Salamat sa madlang sa ami’y gumagawi

Sa araw-araw umaaraw man o hindi,

Sa masigabong palakpak at pagbubunyi,

At sa kasiyahang dala nila pag-uwi!

 

Sa mga nasa tahanan lamang palagi,

Dito at sa ibang bansa namamalagi,

Salamat sa pagsubaybay nila’t sa sukli

Naming konting kiliti at ngiti sa labi!

 

Salamat sa pagmamahal naming masidhi

Sa aming ginagawa na Inyong pinili,

Sa palagay nga ay kami ngunit kung hindi

Sa Inyong paggabay wala ring minimithi!

 

Salamat sa lahat sa palabas kasapi

Kahit na ano pa ang kanilang bahagi,

Sa mahabang panahon at bawat sandali,

Lubos pasasalamat sa pagpupunyagi!

 

Salamat sa tatlong bubong at may ari

Sa pagkakataong ilipad … mamalagi

Saranggola man namin kahit tsapi-tsapi,

‘Di naman sumasalok … matibay ang pisi!

 

Thank You sa lahat ng sandaling kami’y happy,

Kahit pa nga nagtatawana’y kami-kami,

Sa tuwa na hindi na namin maikubli,

Thank You very, very much! To God be the glory!

ACIRC ANG BEST OF EAT BULAGA KAHIT KALYESERYE KAMI NBSP NEW YEAR NGEKS THANK YOU
Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with