^

Dr. Love

Anak kinuha ng ka-live in

Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Walong taon kaming nagsama nang walang kasal ni Dolfo. Nagkaanak kami ng lalaki na ngayo'y anim na taong gulang na.

Hindi ko akalain na magbabago ang pagtingin ni Dolfo sa akin. Lagi niya akong sinisigawan at inaaway.

Natuklasan ko na may ibang babae na siyang mahal. Sinabihan niya ako na hihiwalayan na niya ako. Napahagulgol ako sa sinabi niya.  Mahal ni Dolfo ang anak namin at alam kong dadalhin niya ito sa pag-alis niya.

At hindi ako nagkamali. Pagkagising ko sa umaga, wala na si Dolfo at ang anak namin. Hindi ko alam ang gagawin ko kung papaano ko mababawi ang anak namin.

Kailangan ko ang inyong payo. 

Adelfa

Dear Adelfa,

Sa ilalim ng batas, ang batang nasa gulang pa ng iyong anak at dapat manatili sa pag-iingat ng ina. 

Kailangan mo ng isang abogado upang magsampa ng petisyon sa korte upang mabawi ang iyong anak.

Malaking gastos din iyan at mahihirapan ka kung wala kang pera.

Puwede rin kayong magkasundo ng mister mo sa kostudiya sa anak. Ilang araw sa kanya at ilang araw sa iyo.

Dr. Love

 

ANAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with