^

Dr. Love

Papa’s girl ang gf

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Gio, itong gf ko laging, “ask ko muna kay papa ko,” ang dialogue. 

Napaka- papa’s girl. Kapag magde-date kami, sasabihin na naman niya, “ask ko muna si papa.” 

Ok lang kung pa minsan-minsan lang. Pero parang nakakayamot na wala siyang sariling desisyon. 

Mabait naman ang papa niya. Wala na kasi ang mama niya sa kanila, may iba ng pamilya. 

Kaya si papa na lang niya ang kasama niya sa buong buhay niya.  Kung tutuusin mahirap naman talaga ang kalagayan niya. 

Mahal na mahal siya ng papa niya, kaya ayaw na muna ng papa niya na maaga siyang mawalay sa kanya. 

Naiinis lang ako minsan kasi nga hindi ko siya masolo, laging kailangan kong i-consider ang sasabihin ng papa niya. 

Gio

Dear Gio, 

Alam mo na hangga’t nariyan ang papa ng gf mo, siya ang dapat masunod. 

Hangga’t maaari lagi ninyong ipapaalam sa kanya ang mga where abouts ninyo. 

Syempre wala na nga ang mama niya kaya siya hinihigpitn ng papa niya. 

Ganun lang, kailangan na iwasan mong maramdaman ng papa niya na i-naagaw mo ang a-tensyon ng anak niya. 

Malaking tulong kung makukuha mo ang loob ng papa niya at magiging panatag siya na magkasama kayo. 

I-try mong i-invite silang dalawa kapag aalis kayo.  Tuloy lang, konting tiyaga pa. 

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with