Takot mag pa-check up
Tawagin na lamang ninyo akong Conrad. Medyo natatakot ako dahil lagi na akong hina-high blood.
Ayoko namang magpa-check up. Lalo lang akong matatakot.
Ako naman ang may kasalanan sa pagkakasakit ko ngayon. Naging pabaya kasi ako sa mga kinakain at iniinom ko, kaya ito na nga nag-aalala ako.
Naging pabaya lang naman ako nang mabarkada sa trabaho namin. Minsan hatinggabi na. Hindi lang pala minsan, inuumaga na talaga ako dahil sa kakainom ng alak. Malakas akong uminom at mamulutan.
Nagagalit sa akin ang misis ko dahil hindi ako marunong makinig.
Nitong Friday, akala ko nahihilo lang ako dahil naglinis ako ng bahay. Bigla na lang akong nanghina, mabuti at may kapitbahay kaming nurse.
Nang tiningnan ang aking blood pressure, sobrang taas. Pinayuhan niya akong magpa-check up. Kailangan na raw akong mag-maintenance.
May mga pagkain na binabawal na rin sa akin ng doktor. Mabuti at hindi ako inaaway ng asawa ko. Tinutulungan niya akong maibalik ang dati kong sigla.
Conrad
Dear Conrad,
Hindi pa naman huli ang lahat. May panahon ka pa para maibalik ang lakas ng iyong katawan. Sundin mo lang ang payo ng doktor sa iyo. Iwasan mo na muna ang barkada mo.
Unti-unti, gagaling ka rin. Basta inumin mo ang mga dapat mong inuming maintenance o gamot na nireseta sa iyo.
Syempre kung mahal natin ang ating asawa’t mga anak, iingatan din dapat natin ang ating katawan.
Sabi nga, health is wealth.
DR. LOVE
- Latest





















