^

Dr. Love

Na-in love sa kamag-anak

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sa dami nang pwedeng ligawan ay hindi ko po magawa sa iba, dahil simula’t sapul si Myrna­  ang mahal ko. Pero anak po siya ng se­cond cousin ng aking ina, na siyang problema ko.

Dahil mahigpit po ang paniniwala ng mga magulang ni Myrna na hindi pwede magmahalan ang magkamag-anak. Tuloy hindi ko noon mai-express ang damdamin ko sa kanya. Hanggang ligaw-tingin lang po at kunyari na walang anuman na labas-pasok ako sa kanilang bahay, nakikikape o kaya’y nakikipagkwentuhan. Magkalapit lang po kasi ang bahay namin.

Maraming manliligaw si Myrna kaya nang minsan na sabihin niyang may nagugustuhan na siya pero umid lang ang dila ay talagang nakaramdam ako ng pagseselos. Dahil dito ay minabuti ko muna na huwag munang mag­punta sa kanilang bahay.

Pero parang mapanadya ang pagkakataon, dahil nang minsang dala ko ang aming sasak­yan ay nakita ko si Myrna nag-aabang ng masasakyan. Hindi na ako nag-alangang yayain siyang sumakay.

Ito na ang pagkakataong nagkausap kami. Sinita niya ako kung bakit hindi na ako nagpupunta sa kanila at maging ang balak kong pag-a-abroad nang hindi sinasabi sa kanya. Sinabi ko na pwede naman akong papigil sa kanya kung ayaw niya akong umalis dahil mahal ko siya. Sinabi rin niyang mahal niya ako kaya lang umid ang dila ko.

Noon din ay niyaya ko siyang magtanan, dahil tutol ang mga magulang niya sa pagkakaroon ng relasyon ng magkamag-anak. Handa raw siyang sumama. Dinala ko siya sa aking tiyahin, sa malayong baryo at kasunod na noon ang pamamanhikan ng aking mga magulang kasama ang mayor na siyang nagkasal sa amin.

Ngayon po ay masaya kaming kasama ang aming tatlong anak na babae. Halos pinaghahalinhinan ng mga biyenan ko at mga magulang ko ang aming mga anak, Dr. Love.

Salamat po at sana nagustuhan ninyo ang buhay-pag-ibig namin ni Myrna. 

Mike

Dear Mike,

Love conquers all, ika nga. Kahit pa hara­ngan, hindi nagawang pigilan ng mga tradisyonal na paniniwala ang tunay na pagmamahalan ninyo ni Myrna. Nakakatuwa ang kasaysayan ninyo at nawa’y magpatuloy ang pag-unlad ng pagmamahalan ninyo bilang mag-asawa para manatiling masaya ang inyong pamilya. God bless you!

Dr. Love

vuukle comment

DAHIL

DEAR MIKE

DR. LOVE

MYRNA

PERO

SINABI

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with