^

Dr. Love

Perfect gentleman

- The Philippine Star

Dear Dr. Love,

Tampulan po ako ng tukso ngayon ng aking mga kamag-anak at mga kaibigan dahil maiiwanan na raw ako ng tren sa kakahanap ng perfect gentleman na mapapangasawa.

Para sa akin, hindi naman masyadong matayog ang itinakda kong pamantayan para sa lalaking iibigin. Dahil ang gusto ko lang ay isang perfect gentleman.

Dalawa na po ang naging nobyo ko, pero tinatabangan po ako sa sandaling mapatunayan na wala sa kanila ang katangiang hinahanap ko. Sa umpisa lang po kasi ang kanilang pagiging maginoo, later on ay lumabas na ang itinatagong kabastusan na nakaka-turn off.

Hindi pa naman po ako masyadong matanda sa edad kong 30 pero aminado po ako na kung minsan ay nagwo-worry na ako na mahirapang makakita ng lalaking gusto ko. Kaya lang ayaw ko naman po isakripisyo ang sarili sa lalaki na hindi ko type.

Payuhan mo po ako Dr. Love. Mayroon pa bang perfect gentleman sa kalipunan ng kala­lakihan ngayon?  

Maraming salamat po at God bless.

Gumagalang,

Bea

Dear Bea,

Mukhang mahihirapan kang makakita ng qualify husband to be. Dahil there is no such perfect thing to us human. Pero sang-ayon ako na huwag mong madaliin ang sarili, not even to the point na makikita mo ang sarili na nagsasakripisyo para lang makipagrelasyon.

Kung ako ang tatanungin mo, dapat love ang maging matibay na pundasyon kung sakaling papasok ka sa relasyon. Mahalaga rin na kilala mo ng lubos ang taong pagkakatiwalaan mo ng iyong puso.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

BEA

DAHIL

DALAWA

DEAR BEA

DR. LOVE

GUMAGALANG

KAYA

MAHALAGA

MARAMING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with