^

Dr. Love

Hinaing ng isang gay

- The Philippine Star

Dear Dr. Love

Greetings to you and your legion of readers. Please hide me under the pseudonym Carla, 42 anyos. Hindi ako babae kundi isang proud member ng third sex. Isang gay.

Mahirap pala ang nasa kalagayang ito. Noong marami akong pera ay marami rin ang nalolokong lalaki sa akin. Pero loyal naman ako sa isa lang. Nunca ako nag-boyfriend ng sabay-sabay.

Isang lalaki lang ang minahal ko nang totoo at more than one year kami nagsama. Lahat ng luho niya ay ibinigay ko hanggang sa malugi ang negosyo kong parlor at maibenta ko ang mga kagamitan.

Ganyan pala ang mga lalaki. Nang wala na siyang mahuthot na pera sa akin ay bigla na lang nawala.

Nakikipamasukan lang ako ngayon sa isang parlor at ganap na nawalan ng tiwala sa mga boys. Mahirap ang bakla dahil pera lang ang pinupuntirya ng lalaki.

Kung minsan ibig kong kitilin ang sarili kong buhay. Tulungan mo ako.

Carla

 

Dear Carla,

Ang sinabi mo’y totoo Carla. Marahil may mangilan-ngilan din na situwasyon na umibig sa bakla ang isang lalaki pero bihira iyan.

Ano nga ba naman ang mapapala ng lalaki sa isang bakla bukod sa perang maibibigay sa kanya kapalit ng panandaliang aliw? Masaklap na katotohanang dapat harapin iyan.

Ang maipapayo ko sa iyo, tibayan mo ang iyong damdamin at huwag mong babawiin ang sarili mong buhay dahil higit na mabigat na kasalanan iyan sa Diyos.

Magbulay ka sa salita ng Diyos at gagabayan ka Niya. Marami akong kakilalang bakla na binago ng Panginoon at ang iba’y nakapag-asawa pa ng babae at nakapagpundar ng pamilya.

Paghusayan mo ang pagtatrabaho at pasasaan ba iyan, maitatayo mong muli ang nalugi mong negosyo.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

CARLA

DEAR CARLA

DIYOS

DR. LOVE

GANYAN

ISANG

LAHAT

LALAKI

MAHIRAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with