^

Dr. Love

The second time around

-

Dear Dr. Love,

Tunay na napakaganda ng iyong love-advice column at lagi kong sinusubaybayan upang ma­buo­ ang araw ko.

Ako nga pala si Zeny, isang tindera ng gulay sa palengke. 32 anyos na po ako at dating may naka-live-in pero dalawang taon lang nagtagal ang aming pagsasama.

Masyado kasi siyang playboy at nalaman kong marami siyang babae at may anak pa siya.

Isa lang ang anak ko sa kanya. Hindi na sana ako iibig muli pero dumating sa buhay ko si Mando, isang tricycle driver.

Sabi niya handa raw niya akong pakasalan dahil mahal niya ako sa kabila ng background ko. Isa siyang biyudo at 45 anyos ang gulang.

Ramdam kong mahal ko siya dahil mukha naman siyang tapat. Pero may takot sa aking puso na tanggapin siya. Ano ang maipapayo mo sa kalagayan ko?

Zeny

Dear Zeny,

Sabi nila, ang pag-aasawa ay isang sugal. May mga mapapalad na nagtatagal ang relasyon at mayroon namang nagkakahiwalay.

Pero hindi dapat maging dahilan ito para ka­ta­kutan natin ang umibig. Nilikha tayo ng Diyos­ para magmahal at mahalin.

Ang maipapayo ko’y kilalanin mong mabuti si Mando at alam kong makikilatis mo kung totoo ang ipinakikita niyang kabaitan. Hangad ko ang iyong kaligayahan sa bago mong pag-ibig.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

DEAR ZENY

DIYOS

DR. LOVE

HANGAD

ISA

MANDO

PERO

SABI

ZENY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with