^

Dr. Love

Dr. Love 1018'Fling' sa text

-

Dear Dr. Love,

Nais ko po sana magpa-advice sa inyo. Going 8yrs na kami mag-asawa this coming January 2011. Pero hindi na kami aabot pa sa 8 yrs. relationship dahil ang asawa ko ay may love affair sa isang single woman. By the way, I'm 7 month pregnant now. Nalaman ko ang lahat nang huling matalo kami at sinabi niyang malapit na niya akong hiwalayan. After 2 days I confront him about what he said. He admitted and confess to me even it's hurt, nakinig ako dahil mas gusto ko kako 'yun na aminin kaysa gawin akong tanga. First month pa lang ang tiyan ko sila na pala. Nag-umpisa ang lahat sa pakikipag-text lang. Alam niyang may gusto ang babae sa kanya at pasasakayin lang daw. Hanggang sa magkainuman sila ng barkada niy, na akala ko ay siya lang bisyo niya. Pati 'yung girl andun din. Pinalalayas ko na siya, kaso pagkapanganak ko na daw tsaka niya kami iiwan na mag-ina. Seven years old na po ang panganay ko at second itong nasa tiyan ko. Kapag inaaway ko ang babae, kinakampihan niya. Dahil mas mahal niya daw 'yun. Akala ko sa telenobela lang ang ganito, may nangyayari rin pala sa totoong buhay. Mahal na mahal ko asawa ako, natatakot po ako kapag iniwan niya kami. Pa'no na kami mag-ina, matagal na akong housewife. Kaya baka mahirapan na ako mag-apply. Siya rin may ayaw na magtrabaho ako. Naging sunud-sunuran na lang ako sa kaniya. Ang dami kong pinagsisisihan ngayon. Ano po ang dapat ko gawin?  

Liza

Dear Liza,

Tatlong bagay ang puwede mong pagpiliang gawin. Una, maaari mo siyang ihabla ng concubinage lalu na kung mapapatunayan mong anak niya ang dinadala ng babaeng sinasabing kasintahan niya. Pangalawa, puwede kang mag-file ng annulment dahil siya ay lasenggo at babaero na matibay na ground para sa kasong ito. Pangatlong option ay tanggapin ang iyong kapalaran at ipaubaya na lang sa Dios kung magkakabalikan pa kayo o hindi. Masalimuot ang problema mo dahil ang kapakanan ng pamilya mo ang nakataya. Pero kung ang asawa mo mismo ang ayaw makipag-ayos at tila lokong-loko sa babae niya, wala akong makitang solusyon kundi aksyong legal para siya magtanda. Kumonsulta ka sa abogado.                                                          

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o NGAYON Libangan Section 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa [email protected].)

vuukle comment

DEAR LIZA

DR. LOVE

LANG

LIBANGAN SECTION

NIYA

PERO

PORT AREA

RAILROAD STS

ROBERTO S

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with