^

Dr. Love

Dahil tutok sa gadget ang anak

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Josie. Nahihirapan akong makipag-usap sa aking anak dahil sa sobrang tutok niya sa paggamit ng kanyang gadget.

Nitong nakalipas na mga linggo, parang hindi na natantanan nang paulit-ulit na pagsasaway na bawasan niya ang paggamit ng gadget. Pero nauuwi lang din sa pagsisigawan, samaan ng loob hanggang sa iniiwasan na ako ng aking anak.

Hindi ko po gusto ang ganitong situwasyon sa pagitan naming mag-ina. Pero hindi ko po makukunsinti ang sobra-sobrang paggamit niya ng gadget, bagay na nakakasira sa sistema ng katawan niya.

Dahil kadalasan ay kinakain na ang mala-king bahagi ng bawat araw niya ng gadget. Wala na sa oras ang pagkain, lalo na ang pagtulog. Nag-aalala po ako sa kalusugan niya.

Lalo pa’t marami na ang napatunayang mga karamdaman o kondisyon na nag-ugat sa pag-abuso sa paggamit ng gadget.

Hindi ko po gustong parusahan siya nang malala, pero walang pakundangan ang pagsuway niya. At sa pagsagot niya sa akin na para bang hindi niya ako ina.

Disiplina lang po ang hangad ko, nang matutunan niyang limitahan ang sarili niya. Pero sa mga nasubukan kong hakbang ay naging rebelde ang pagtugon niya. Hindi ko na alam kung paano siya susuwetuhin nang hindi hahantong na kapwa kami nagkakasamaan ng loob na mag-ina.

Ayaw ko po na tuluyang mawala ang koneksiyon namin ng anak ko.

Josie

Dear Josie,

Ang galit ng iyong anak ay hindi laban sa iyo, kundi reaksyon sa takot na mawalan ng kasiyahan o koneksyon. Ang payo ko para mabawasan ang alitan, huwag agad kunin ang gadget.

Pero kausapin mo siya at tanungin kung bakit siya pumapalpak dito—ba’t stress sa school?  Ba’t naghahanap siya ng kakampi sa online friends? Kapag alam mo ang dahilan, kaya mong tugunan ang pangangaila-
ngan niya. Halimbawa, ang pagpupursigi na magkaroon kayo ng oras na kumain na magkasama, bago mo itakda ang limitasyon.

Imbes na ipataw ang batas, gumawa ka ng “Family Media Agreement,” kasama ang anak. Tanu-
ngin mo siya, “anong oras ang fair na limitasyon?” Kapag sila ang nag-set ng hangganan, mas malaki ang tsansang sundin nila ito.

Kung ikaw ay la-ging naka-scroll sa cellphone, hindi siya makikinig.

Subukan ang “Device-Free Time.” Halimbawa, 7PM - 9PM, kung saan lahat, kasama ang mga magulang ay iiwan ang device. Ipakita sa anak na kaya mong gawin ito at na mas mahalaga ang panahon ninyo kasama ang pamilya.

Importante na ikonsidera na simulan ang usapan nang may pagmamahal.

Umupo sa tabi niya, huwag mo siyang harapin bilang kritiko.

Tanungin mo siya tungkol sa interes niya sa loob ng screen. Sa pamamagitan ng pagiging kaibigan muna, babalik ang respeto at komunikasyon.

DR. LOVE

JOSIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with