^

Dr. Love

How do I say goodbye?

-

Dear Dr. Love,

Hi, Dr. Love. Una sa lahat ay bumabati po ako sa inyo pati na sa marami ninyong tagasubaybay ng very popular ninyong kolum.

Matagal-tagal na rin akong regular reader ng Dr. Love. Tawagin mo na lang akong Mercy, 22-anyos, single at may kasintahang seaman.

Nakilala ko po si Bert sa birthday party ng aking matalik na kaibigan. Siya ay 27-anyos at may dalawang taon na kaming mag-on. Nakakatawa nga pero halos limang buwan lang kaming nagkikita nang personal dahil mas madalas siyang nasa dagat. Sabi niya ay pitong taon muna siyang maglalayag para makaipon.

Recently ay may nakilala ako at nililigawan niya ako ngayon. It’s a strange feeling na parang nahuhulog ang loob ko sa kanya. Isa siyang junior executive sa isang malaking kompanya at malaki ang suweldo. Hindi ako naakit sa suweldo kundi sa tingin ko’y in love ako sa kanya. Paano akong makikipagkalas sa aking boyfriend? Natatakot kasi ako na mag-suicide siya na madalas niyang sabihin noong magkasama kami.

Mercy

Dear Mercy,

Mabuti nga’t umibig ka sa iba nang hindi ka pa kasal sa isa mong boyfriend. Mas masama kung mangyayari iyan kapag kasal na kayo.

Isa pa, may kasabihang mas mabuting magsabi nang totoo kaysa magsinungaling na higit na makakasakit sa taong pinaglilihiman mo.

Ang advice ko, sabihin mo ang totoo sa boyfriend mo na ibig mo nang makipag-break nang walang masyadong palabok. As simple as that.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

BERT

DEAR MERCY

DR. LOVE

ISA

MATAGAL

NAKAKATAWA

NAKILALA

NATATAKOT

PAANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with