^

Dr. Love

Ipinagpalit

-

Dear Dr. Love,

Bago ang lahat, binabati muna kita at lahat ng iyong mga avid readers. Kumusta na ang favorite love advicer ko? Sana’y nasa mabuti kang kalagayan at malayo sa sakuna at sakit.

Five-years mo na akong fan at lagi akong nagbabasa sa kolum mo. Ako nga pala si Mina, 26-anyos at may asawa. Pero naturingan man akong may asawa ay parang wala dahil minsan sa isang linggo kung uwian ako ng aking mister.

Ang dahilan, nagkaroon siya ng bagong pamilya. Kasal ako sa kanya at hindi ko malaman ang dahilan kung bakit ipinagpalit niya ako. Nakita ko na ang babae at siya’y mataba at maitim. Di-hamak na maganda ako at sexy.

Pasensya ka ng kung pinupuri ko ang sarili ko pero kahit hindi ako super-ganda, malaki naman ang lamang ko sa babaeng iyon.

Mayroon kaming anak na lalaki na paborito ng mister ko kaya siya umuuwi sa aming bahay. Kung tatanungin ko siya kung bakit inaayawan niya ako, ayaw naman niyang magsalita.

Minsan ay kinausap niya ako. Kukunin daw niya ang aming anak. Dito ako nagalit. Hindi ako pumayag pero ang sabi niya’y kukunin niya ang anak namin sa ayaw ko’t sa gusto. Ano ang dapat kong gawin?

Mina

Dear Mina,

Hindi ko alam ang dahilan kung bakit nawalan ng amor sa iyo ang iyong asawa. Hindi ko rin alam kung ano ang iyong pagkukulang at kahit maganda ka ay ipinagpalit ka sa maitim at mataba. Hindi kaya ginayuma ang asawa mo? Posible iyan at naniniwala ako riyan. Ngunit kung taimtim kang mananalangin sa Diyos, tiyak na makakalag siya sa pagkakagapos sa sumpa ng babaeng iyon.

Kung hindi ka naman naniniwala, dapat mong malaman na ang ginagawa niya ay isang krimen. Concubinage ang tawag diyan o pakikiapid dahil kasal siya sa iyo.

Kahit ano pa ang iyong pagkukulang, hindi rason para gumawa siya nang ganyang krimen. Ngunit kung hindi ka aaksyon, hindi siya mananagot sa batas. Sa kasong iyan, kung walang complainant, wala ring asunto.

Kung gusto mo, magsampa ka ng demanda sa kanya. Wala rin siyang karapatang kunin ang inyong anak upang ipisan sa kanyang kalaguyo.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANO

DEAR MINA

DITO

DR. LOVE

KUNG

NGUNIT

NIYA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with