^

Dr. Love

Sumama sa ibang lalaki ang asawa

-

Dear Dr. Love,

Ipinaabot ko sa iyo ang aking taus-pusong pagbati kasama ang lahat ng mga masusugid na sumusubaybay sa iyong popular na pitak. Sana, kagaya ng iba pang lumiham sa iyo ay mabigyan mo ako ng magandang payo sa ikalulutas ng aking  problema.

Tawagin mo na lamang akong Junel. Dati’y maligaya ako sa piling ng asawa ko. Nagkaroon kami ng dalawang anak. Pero naging malungkot ang karugtong ng buhay ko dahil sumama sa ibang lalaki ang aking asawa.Nawindang ang buhay ko sa nangyari at nawalan ako ng trabaho dahil hindi na ako makapag-focus sa aking ginagawa. Dinala ko ang aking dalawang maliliit na anak sa malayong lalawigan upang doon humanap ng bagong kapalaran.

Doon ko nakilala ang aking bagong pag-ibig na sampung taong mas bata sa akin. Alam niya ang aking karanasan at hindi ito importante sa kanya. Pero ang gusto niya’y makasal kami. Ang balak ko’y magpa-convert kami sa Islam para puwede kaming ikasal dahil balido pa ang kasal ko sa una akong misis. Tatlong taon na kaming hiwalay ng misis ko at ang balita ko’y may anak na siya sa iba.

Ano ang dapat kong gawin?

Junel

 

Dear Junel,

Legal problema ang kinakaharap mo. Hindi ako lawyer pero sa tingin ko, balidong ground ang marital infidelity para mawalang bisa ang inyong kasal ng una mong asawa.

Kung alam mo kung saan siya makokontak, makipag-ugnayan ka sa kanya dahil kakailanganin ding humarap siya sa hukuman sa sandaling pinroseso ang annulment.

Mas makabubuting humingi ka ng payo sa isang abogado para malaman mo ang eksaktong dapat gawin.

Dr. Love

vuukle comment

AKING

ALAM

DEAR JUNEL

DR. LOVE

JUNEL

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with