^

Dr. Love

Mahal po namin ang isa’t isa

-
Dear Dr. Love,

Ako po ay bago lang ninyong tagasubaybay. Ngayon ko lang naisipang sumulat sa inyo. Tawagin n’yo na lang po akong Ms Lovely, 16 years- old, 3rd year high school sa Cavite.

Nais ko lang pong magtanong, Dr. Love. May boy friend po ako at tawagin po natin siyang Mr. Honey, 21 years-old. Puwede po ba kaming magkatuluyan habang ako po ay nag-aaral pa lang?

Kasi po ay parang malabo na maging kami balang araw dahil siya po ay nagtatrabaho sa isang tindahan. Palagi naman po kaming nagkikita at nagkakausap. Hindi ko po sigurado kung ako lang po ang nasa puso niya. Sana po ay mabigyan n’yo ako ng payo.Lubos na gumagalang,

Ms. Lovely


Dear Ms. Lovely,


Third year high school ka pa lang. Magtapos ka muna ng pag-aaral bago maging seryoso sa pag-ibig.

Kung ang boyfriend mo’y seryoso sa iyo, maghihintay siya gaano man katagal. Ingatan mo ring huwag kara-karakang ibigay ang pagkababae mo sa iyong boyfriend.

Diyan mo masusubukan kung mahal ka niya talaga. Dr. Love

vuukle comment

CAVITE

DIYAN

DR. LOVE

INGATAN

KASI

LANG

LUBOS

MAGTAPOS

MR. HONEY

MS LOVELY

MS. LOVELY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with