^

Dr. Love

Nakarma ang playgirl

-
Dear Dr. Love,

I’m Sandy but my friends call me San-San of Sogod, Southern Leyte. Sumulat po ako sa inyo para maipalabas ang sakit na nararamdaman ko ngayon kahit na alam kong ako ang may kasalanan.

Hindi naman ako kagandahan pero marami akong manliligaw. Last year, nanligaw sa akin si Mr. Cute na kabarangay ko. Sinagot ko siya pero hindi naman ako seryoso sa kanya. Pero hindi lang siya ang nanliligaw sa akin. Marami sila at sinagot ko rin silang lahat. Hindi ba may kasabihang "collect and collect and then select?"

Hindi ko akalain na si Mr. Cute ang magpapatibok ng puso ko. Sabi ko sa sarili ko, bakit siya pa? Playboy kasi siya. Pero nahahalata kong mahal niya ako. Naging close kami at lagi kaming magkasama. Lagi siyang pumupunta sa amin at nagseselos siya kapag may kasama akong iba. Sabi ng mga barkada niya, sa akin lang daw siya naging seryoso pero hindi ako naniniwala.

Marami sa mga barkada niya ang nakakakita sa akin na may kasamang iba. Siguro sinasabi nila ito kay Mr. Cute pero binabalewala ko sila. Minsan ay nagtatanong sa akin si Mr. Cute pero nagsisinungaling ako sa kanya at naniniwala naman siya sa akin.

Isang gabi, may disco sa amin at kasama ko ang isa ko pang boyfriend. Nakita ako ni Mr. Cute. Tinawanan ko siya pero alam kong nasaktan siya.

Hindi ko akalain na gaganti siya sa akin. Kaya pala hindi na niya ako sinisipot sa aming tagpuan ay may iba na pala siya. Nalaman ko ito sa mga barkada niya. Para akong pinagbagsakan ng malalaking bato. Pero sa kabila ng nangyaring ito, hindi pa rin ako natakot. Minsan ay siya pa nga ang nakakita sa akin na may kasamang iba. Pero hanggang ngayon ay siya pa rin ang mahal ko, ang nasa puso ko at isipan. Ano ang gagawin ko para matigil na ang kagagahang ito?

Always,
Sandy



Dear Sandy,


Bata ka pa sa larangan ng pag-ibig kaya huwag mo itong seryosohin. At hindi ko masisisi si Mr. Cute kung gumanti siya sa iyo. Ikaw ang may kasalanan at kailangang magdusa ka sa pagiging playgirl mo. Napaka-unfair ng ginawa mo sa kanya at ni hindi ka man lang humingi sa kanya ng dispensa o nagbigay ng paliwanag.

Sa halip ay patuloy pa rin ang pagiging playgirl mo. Ano naman ang gusto mong gawin nung tao? Habulin ka? I think you don’t deserve that dahil sa una pa lang ay hindi ka naging tapat sa inyong relasyon.

Well, talagang ganyan ang buhay. Huwag mong kalilimutan ang karma. Sana naman ay natuto ka na at huwag mo na itong ulitin ulit sa susunod mong boyfriend.

Dr. Love

vuukle comment

AKIN

AKO

ANO

DEAR SANDY

DR. LOVE

MARAMI

MR. CUTE

PERO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with