^

PSN Opinyon

Kawalan ng pondo para sa mga TES beneficiaries mula sa 4Ps, kailangang punan

WIN SA EDUKASYON - Sen. Win Gatchalian - Pilipino Star Ngayon

Nitong nakaraang linggo, tinalakay ng Senate Committee on Finance ang pondong inilaan ng 2027 National Expenditure Program para sa Commission on Higher Education (CHED), pati na rin ang mga State at Local Uni­versities and Colleges (SUCs, LUCs).

Isa sa mga paksang pinuna ng inyong lingkod ang kawalan ng pondo para sa hanggang 230,417 incoming na Tertiary Education Subsidy (TES) beneficiaries mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Kung ating babalikan, nagsisilbing tulong pinansyal ang TES upang tulungan ang mga benepisyaryong tustusan ang kanilang mga pangangailangang pang-edukasyon.

Upang mabigyan ng tulong pinansyal ang mga benepis­yaryong ito, kinakailangan nating maglaan ng P3.1 bilyon.

Nilagdaan kamakailan ang Republic Act No. 12325 na nagpapatatag sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act (Republic Act No. 10931), o ang free higher education law. Sa ilalim ng naturang batas na ito, bini­big­­yang prayoridad ang mga mag-aaral mula sa 4Ps households na naka-enroll sa higher education institutions na kinikilala ng Commission on Higher Education (CHED) o sa technical-vocational institutions na rehistrado sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Mahalagang tiyakin natin na makakapaglaan tayo ng sapat na pondo para sa mga benepisyaryong ito dahil nais nating maiwasan ang paghinto nila sa pag-aaral o pag-drop-out.

Sa kabuuan, may P12.023 bilyong funding deficit ang TES sa ilalim ng 2027 NEP, katumbas ng 709,709 slots na walang pondo.

Para sa mga 4Ps students na maituturing na ‘ongoing’ beneficiaries sa susunod na taon, kulang ng P4.21 bilyon para pondohan ang 70,471 slots. Wala ring nakalaang pondo para sa unfunded 4Ps beneficiaries na carry-over mula fiscal year 2026, katumbas ng P2.39 bilyong kinakailangan para sa 177,036 slots. Kulang din ng P2.32 bilyon para pondohan ang 231,785 slots para sa beneficiaries mula sa mga lugar na walang state o local university o college.

EDUCATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with