^

Police Metro

Digong kulong pa rin sa ICC kahit maraming bansa ang mag-aklas

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patuloy na nakadetine si dating Pang. Rodrigo Duterte sa Detention Centre ng International Criminal Court (ICC), kahit pa maraming mga bansa ang aaklas sa naturang tribunal.

Ayon kay ICC Assistant to Counsel Atty. Kristina Conti, kahit may mga bansang umaklas sa ICC, hindi ito otomatikong nangangahulugan na mapapauwi na ang dating pangulo ng Pilipinas.

Hindi rin ito magdudulot aniya ng otomatikong pagkakadismis ng kaso laban kay Duterte.

Maalalang ipinapanawagan ni US Pre. Donald Trump sa mga bansang kasapi ng ICC na umaklas na rito.

Ayon kay Atty. Conti maraming posibleng paraan para magpatuloy ang operasyon ng korte kabilang ang suporta ng host country na Netherlands at iba pang mayayamang bansa na handang lumaban para sa pag-iral ng hustisya at pananagutan.

Habang nananatili ang suporta ng host country at ng Dutch government ay magpapatuloy pa rin ang kapangyarihan, operasyon, at papel ng naturang korte.

Maliban dito, maaari rin aniyang ilipat ang physical operations ng tribunal sa ibang lugar kung sakali mang hindi na ito susuportahan ng host country.

Kampante si Atty. Conti na walang direktang epekto sa proceedings ng kaso ang sanctions ni US Pres. Trump.

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with