Cedric at Deniece, kailangan parole para makalaya - BuCor

MANILA, Philippines — Kailangan pa munang mag-aplay ng parole sina Cedric Lee at Deniece Cornejo bago sila tuluyang makalaya.
Ito ang sinabi nitong Miyerkules ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang matapos na una nang nagpalabas ng kautusan ang Court of Appeals (CA) na nagbaba ng kaso nina Lee at Cornejo mula sa serious illegal detention, kung saan nahatulan sila ng reclusion perpetua, patungong grave coercion, na may parusang anim na buwan hanggang tatlong taon, anim na buwan, at 21 araw na katumbas ng maaari nang makalaya.
Sinabi ni Catapang na kahit binago ang sentensya ay may isa pang kaso ng grace coercion ang dapat pagsilbihan ng dalawa.
Sinabi ni Catapang na hindi maaaring pagsabayin nina Cornejo at Lee ang pag-serve sa dalawa nilang sentensya
“Sa unang kaso na na-file, three months to six months na lang yung kanilang minimum na ise-serve. Pero sa isang kaso naman, na hindi pa na-areglo o wala pa ring Entry of Judgment na natatanggap kami ay… maximum sentence to be served ay three years and six months,” ani Catapang na nire-recompute pa at sa pagtaya niya ay aabot pa ng 4 na taon.
Ipo-forward umano ang papeles ng dalawa sa Board of Pardon at kailangang dumaan sa tamang proseso.
Sina Lee, Cornejo at iba pang akusado ay pinatawan ng sentensya ng Taguig court dahil sa inihaing kaso ng actor na si Vhong Navarro.
- Latest



















