^

Police Metro

P6 milyong Matina property, ibinenta agad nina VP Sara at Mans Carpio ng P8 milyon

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ibinenta agad sa halagang P8 milyon ni Vice President Sara Duterte at ng mister nitong si Atty.Mans Carpio ang nabiling ari-arian sa Davao City na nagkakahalaga ng P6 milyon matapos na ito ay nabili sa loob lamang ng halos 2 buwan.

Ito ay base sa rekord   na iprinisinta ni Atty. Kathy Florence Baldonado, Register of Deeds ng Davao City na tumestigo sa Senate impeachment court sa 379 metriko kuwadrado ng ari-arian ng mag-asawang Duterte at Carpio sa Brgy. Matina na nabili sa halagang P6 mil­yon noong Hulyo 2, 2024.

Gayunman sa anotas­yon o tala ng nasabing titulo ay ipinakikita na sina Carpio at Duterte ay nakatala sa real estate mortgages sa nasabing ari-ariang lupain.

Sa nasabing rekord ng anotasyon na pinagtibay nina Carpio at VP Sara Zimmerman Duterte pabor sa Philippine Savings Bank ay nagkakahalaga ang lupain ng P 8 milyon.

Sa mortgage na may petsang Agosto 27, 2024 o halos dalawang buwan bago mabili ang lupain noong Hulyo 2 ng nasabing taon.

Sa ika-32 araw ng paglilitis ay iprinisinta ng prosekusyon ang rekords bilang bahagi ng Article II sa impeachment laban kay VP Duterte kaugnay ng paglobo ng kayamanan nito at mga tinanggal at hindi pagkakatugma sa idineklara nitong Statements of Assets, Liabilities ang Net Worth (SALN).

Idinagdag pa ni Baldonado nang ikumpara ang 2025 SALN ay wala siyang makitang matching entry ng ari-arian base sa P6 milyong halaga at iba pang detalye sa mga dokumento.

DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with