^

PSN Showbiz

Gateway, mala-fiesta ang National cinema Day

Pilipino Star Ngayon
Gateway, mala-fiesta ang National cinema Day

Makikibahagi ang Gateway Cineplex 18, ang pinakamalaking cineplex sa Pilipinas, sa kauna-unahang nationwide National Cinema Day ng bansa ngayong araw, Sept. 12, 2026.

Ang nasabing aktibidad ay pinangungunahan ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP), kung saan ang mga manonood ay maaaring manood ng mga piling pelikula sa halagang P100  bawat tiket— sa loob lamang ng isang araw.

At bilang pinakamalaking cineplex sa bansa, mag-aalok ang Gateway Cineplex 18 ng maraming pagpipilian na mga pelikula sa iba’t ibang genre.

Ilalaan nito ang siyam sa mga regular na sinehan nito para sa iba’t ibang international at local films na pinili at inihanda partikular para sa okasyong ito.

Dahil P100 lang ang tiket para sa mga special screening na ito, kering-keri nang mag-movie marathon ang lahat bilang pakikiisa sa National Cinema Day na ngayon lang mangyayari.

Pero magpapatuloy umano ang operasyon sa araw na ‘yun  Wolfgang Premiere Lounges A, B at C pati na rin sa World Kitchens Platinum Cinema para sa mga VIP patron.

Maaari rin daw asahan ng mga manonood ang mga exclusive promo at special offer sa iba’t ibang resto, tindahan at entertainment establishment sa buong City of Firsts.

Ang kauna-unahang National Cinema Day ay pinangungunahan ng CEAP at sinusuportahan ng Film Development Council of the Philippines, Film Academy of the Philippines, Movie and Television Review and Classification Board, Metropolitan Manila Development Authority at Quezon City Screen Commission.

Ito ay nagsisilbing pinag-isang hakbang upang muling hikayatin ang mga manonood na maranasan ang panonood ng pelikula sa sinehan.

Layunin nitong ipakita ang walang katulad na saya ng sama-samang panonood, at ibalik ang publiko sa mga sinehan bilang pangunahing destinasyon para sa kultura at paglilibang.

Bilang pinakamalaking cineplex sa Pilipinas at pangunahing destinasyon para sa libangan sa loob ng mahigit dalawang dekada, ipinagmamalaki ng Gateway Cineplex 18 ang makabagong acoustic engineering, malinaw na digital projection, at mga upuang idinisenyo para sa kaginhawaan sa lahat ng regular na sinehan nito.

Tinitiyak ng mga makabagong pasilidad na ito na mararanasan ng mga manonood ang mga pelikula sa pinakamataas na antas ng kalidad ng imahe at tunog na posible sa kasalukuyan.

“For generations, the cinema has held a sacred place in the heart of pop culture, providing a communal sanctuary where we collectively weep and cheer for the triumphs and trials of the human story on screen. While modern streaming offers convenience, nothing quite replicates the electric, shared magic of watching a story unfold on a towering silver screen in a darkened theater,”  sabi rene L. Jose, Chief Operating Officer of Uniprom, the entertainment arm of the Araneta Group.

CEAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with