^

Metro

Designer nabiktima ng Dugo-Dugo Gang

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang ginang na designer ang nabiktima ng dugo-dugo gang matapos itong matangayan ng mga alahas at cash na nagkakahalaga ng P.3 million kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Kinilala ang biktimang si Vania Krria Romoff, 30, nakatira sa Room 903-A Ritz Tower, Ayala Avenue, Brgy. Urdaneta ng naturang siyudad.

Ang suspect naman ay nakilalang si Goldamie Sudayon,  42, may asawa, taga  Block 1,  Lot 31 Casimiro Townhomes, Las Piñas City. Sa salaysay ng biktima sa tanggapan ng Makati City Police, naganap ang insidente alas-9:25 ng gabi mismo sa kanyang tinitirhan.

Kasambahay niya ang suspect na sinasabi nito na isang kilalang caller ang tumawag sa kanilang telepono na sinasabing naaksidente ang biktima.

Dahilan upang kunin ng suspect sa drawer ng kanyang amo ang mga alahas na nagkakahalaga ng P300,000.00 at cash na P50,000.00 at dinala ito sa bandang Heritage Hotel sa Pasay City.

Dito nadiskubre na hindi pala naaksidente ang biktima su-balit natangay na mula sa kasambahay nitong si Sudayon ang naturang mga alahas at cash ng hindi kilalang suspect.

vuukle comment

DUGO-DUGO GANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with