^

Police Metro

2 ‘person of interest’sa babaeng pugot, pinasusuko na

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sumuko na kayo!

Ito ang mariing babala kahapon ng  Southern Police District (SPD)  laban sa isang lalaki at isang babae na itinuturing na mga ‘persons of inte­rest’ sa kaso ng pagpatay at pamumugot ng ulo sa isang babaeng katulong sa Muntinlupa City.

Ang banta  ay matapos na kilalanin ng SPD sa pamamagitan ng kuha ng CCTV ang babaeng nakilala sa mga alyas na “Chrissa Mae Anial, Chai, Samanthan” at isang lalaki na may mga alyas na “Leon Marcos, Niron at Aaron” na huling kasama ng biktimang nakilalang ang 17-anyos na si Richelle Sagang bago matagpuan ang katawan at ulo niya sa Sta. Maria, Bulacan at sa Makati City.

Sa imbestigasyon, sinabi ni SPD Director, Chief Supt. Tomas Apolinario na ang dalawa ang kasama ng amo ni Sagang na nagdala sa biktima sa guardhouse ng Ayala Alabang Village makaraang ireklamo ng pagnanakaw.  Ito na ang huling pagkakataon na nakitang buhay ang biktima na kinalaunan ay natagpuan ang ulo nitong Enero 12 sa Sta. Maria, Bulacan at ang katawan sa isang creek sa Brgy. Pitogo sa Makati City.

Hindi pa naman pina­ngalanan ng SPD ang amo ng biktima na una nang nagpadala ng abogado sa pulisya upang sabihin na wala siyang kinalaman sa pagkamatay ng dalagita.  Patuloy naman umano ang kanilang pakikipag-ugnayan sa naturang amo.

Sianbi pa ni Apolinario na umaasa sila na lalantad ang dalawang kanilang tinukoy na person of interest na posibleng maging saksi o testigo ng pamahalaan.  Isa pang lalaki ang kanila pang tinutukoy na kasama rin umano sa pagpatay kay Sagang.  Idinagdag pa ng opisyal na bibigyang solusyon nila ang krimen.

LEON MARCOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with