^

Pang Movies

Nakaka-stress lang daw: Ogie ayaw nang ipilit ang pagbubuntis uli ni Regine

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kung may prayer nga lang si Ogie Alcasid kay Pope Francis ito ay ang masundan na nila ng kanyang misis na si Regine Velasquez-Alcasid ang kanilang panganay na si Nate.

Dasal ni Ogie na magkaroon pa sila ng isa pang baby ni Regine, pero hindi pa nga sila ulit sinusuwerte.

“In God’s time naman ‘yan. Kung gusto na ni Lord na mabigyan na ng bagong kapatid si Nate, then it will just happen.

“Ayaw naming ipilit na masyado ni Reggs dahil baka ma-stress lang kami. Ang importante ay marami kaming time para kay Nate habang wala pa ang pinaplano naming kapatid niya,” ngiti pa ni Ogie.

Nagkuwento rin si Ogie ng naging Christmas vacation nila sa Australia kung saan nakasama ulit ni Nate ang kanyang Ate Leila at Ate Sarah.

“Love na love ng dalawang anak ko si Nate. ‘Yun nga lang itong si Nate, sumusuko sa pakikipag-usap sa mga ate niya. Hindi nagta-Tagalog ang dalawa, eh. Tapos may Aussie accent pa. Kaya si Nate, feeling ko dumudugo na ang ilong!” sabay tawa ni Ogie.

“I love my daughters. Leila is turning 18 and she will be a freshman college student na. Sarah naman is 13 years old na.

“Ang bilis ng panahon, ‘di ba? Dati karga-karga mo lang sila, pero ngayon mga dalaga na.

“Kaya sinasabi ko kay Nate na huwag siyang lumaki kaagad. Maging baby muna siya para sa amin ng mommy niya.”

May bago ngang show si Ogie sa TV5 at ito ay ang reality-singing competition na Rising Stars Philippines kung saan makakasama niya si Venus Raj.

Mga taga-Singapore ang producers ng naturang show pero ang world premiere nila ay gagawin nila sa Pilipinas at pinili nila ang TV5.

“Tayo ang mauuna sa show na ito. Natutuwa kasi ang mga producer nito sa talent ng mga Pinoy lalo na sa pag-awit. I am so happy na ako ang pinili nila to host a show like this,” pagtatapos pa ni Ogie Alcasid.

Mike Tan pinigilang rumampang naka-briefs lang

Pinaghirapan ni Mike Tan ang kanyang katawan ngayon kaya naman isa siya sa napiling celebrity endorser ng Boardwalk kung saan kasama pa niya ang kapwa Kapuso stars niya na sina Alden Richards, Janine Gutierrez, Sam Pinto, Kim Rodriguez, Jeric Gonzales, Thea Tolentino, Juancho Trivino, at Rich Asuncion.

Si Mike ang kinuhang endorser ng underwear line ng Boardwalk at nabigo ang mga naghintay sa press launch dahil hindi lumabas ang aktor na suot ang ini-endorse na underwear.

“Sa totoo lang, okey lang sa akin na lumabas ako na suot ang underwear. Para sana makita rin nila na hindi photoshopped ang mga abs ko sa catalog! Totoo ang six-pack abs ko!” sabay tawa niya.

“Pero sinabihan nga ako na hindi na kailangan dahil may mga mag-model ng underwear line.

“Wala naman problema sa akin kung parampahin nila akong ‘yun ang suot kasi confident naman tayo sa katawan natin.”

Wala pa ngang bagong teleserye si Mike pagkatapos ng huli niyang ginawa na Kambal Sirena. Pero marami naman daw siyang guestings at babalikan nga raw niya ang kanyang pag-aaral.

“Yun naman ang gusto kong mangyari, ang makatanggap ako ng college diploma.

“Isang taon na lang ang natitira sa kurso ko kasi. Kaya gusto kong tapusin na ‘yon para matuwa ang pamilya ko,” pagtatapos pa ni Mike Tan.

Tina Fey at Amy Poehler walang takot na ginawang katatawanan ang mga scandal sa Hollywood

Pinalakpakan ang husay nila Tina Fey at Amy Poehler sa pag-host ng 72nd Golden Globes Awards.

Walang takot ang dalawang lady comedians na nakilala sa kanilang shows na Saturday Night Live, 30 Rock, at Parks & Recreation na gawin katatawanan ang sari-saring scandal ngayon sa Hollywood na nagiging headline at nagte-trending on social media.

Kabilang sa kanilang pag-mock ay ang North Korea na sinisisi sa mga high profile hacking sa mga emails ang Sony Pictures. Ang North Korea ang dahilan kung bakit hindi naipalabas sa mga malalaking sinehan ng US ang pelikulang The Interview.

Sey ni Tina: “We celebrate all the great television shows we know and love and all the movies North Korea was OK with. North Korea referred to The Interview as ‘absolutely intolerable and a wanton act of terror.’ Even more amazing, not the worst review the movie got.”

Sinamahan pa sila ng stand-up comedian na si Margaret Cho na ang character ay isang Korean named Cho Yung Ja. Isa siyang army general at contributor sa isang fictional magazine called Movies Wow.

Hirit pa ni Cho: “This is not a show, you no have thousand baby playing guitar at the same time. You no have people holding up many cartoon to make one big picture. You no have Dennis Rodman. No basketball at all.”

vuukle comment

AMY POEHLER

KAYA

MIKE TAN

NATE

NILA

NIYA

NORTH KOREA

OGIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with