^

Police Metro

Kabit ni misis, dedo kay mister

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inatado nang saksak ng isang mister ang isang lalaki na kalaguyo ng kanyang misis matapos mabisto ang relasyon na naganap kamakalawa sa Calamba City, Laguna.

Ang biktima na na­matay noon din dahil sa mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Edgar Omega, 40, may asawa, mason, tubong Davao Oriental at residente ng Brgy. Parian ng lungsod.

Agad din naaresto ang suspek na si Jesus Sarsilya, 38-anyos, may asawa, karpintero at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Cristobal ng nasabing lungsod.

Sa ulat, bandang alas-3:54 ng hapon nang ma­ga­nap ang pananaksak sa mismong bahay ng biktima sa Purok 3 Labak, Brgy. Parian, Calamba City.

Nabatid na sinugod ng suspek ang bahay ng biktima at agad  itong inundayan ng mga saksak sa katawan.

Tumakas ang suspek, subalit hinabol ito at nadakip ng mga rumespondeng barangay tanod.

Ayon sa pulisya, na­bisto ng suspek ang ginagawang pakikiapid umano ng biktima sa kanyang misis kaya’t pinaslang ito.

 

vuukle comment

AYON

BRGY

CALAMBA CITY

CRISTOBAL

DAVAO ORIENTAL

EDGAR OMEGA

INATADO

JESUS SARSILYA

LABAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with