^

Metro

139 Indonesian nationals, idineport

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Idineport na ng Philip­pine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) nitong Martes, Nobyembre 24, ang 139 Indonesian natio­nals na nasagip sa isang hinihinalang parcel scam hub sa Pasay City.

Isinagawa ang deportasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sa koordinasyon ng Bureau of Immigration (BI) at Indonesian Embassy. Kabilang ang mga ito sa 159 dayuhang ni-raid ng mga awtoridad sa nasabing operasyon noong Nobyembre 2.

Ayon kay CIDG Director Maj. Gen. Robert Alexander Morico II, iti­nuturing na mga biktima sa Pilipinas ang mga Indonesian na nasagip, bagama’t maaari silang harapin ng hiwalay na kaso sa Indonesia batay sa mga batas ng kanilang bansa.

Sinabi ni Morico na nagpapatuloy ang imbestigasyon at sasampahan ng kaukulang kaso ang mga mapatutunayang responsable sa operas­yon. Apat na suspek na pawang Chinese, Malaysian at Indonesian nationals ang naaresto rin kaugnay ng kaso.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with