Atong Ang nasa bansa pa! - Matibag

Bagong warrant inilabas
MANILA, Philippines — Nasa bansa pa rin ang gambling tycoon na si Charlie “Atong” Ang.
Ito naman ang sinabi ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag nitong Martes kasunod ng pagpapalabas ng warrant of arrest ng Manila Regional Trial Court Branch 175 laban kay Ang at sa kapwa akusado niyang dating pulis na si PLT. Ryan Jay Orapa sa kasong kidnapping at serious illegal detention.
“I have a strong belief and there’s a strong indication na nandito siya sa Pilipinas,” ani Matibag.
Noong Enero nang magpalabas din ng mga arrest warrant ang mga korte sa Laguna at Batangas. Ang warrant of arrest ay may kinalaman sa pagkawala ng anim na sabungero.
Sinabi ni Matibag na patuloy daw ang ginagawang surveillance ng NBI para matunton si Ang. Kabilang aniya, sa kanyang “Christmas wishes” ang madakip na si Ang. Una na ring sinabi ni Justice Secretary Fredderick Vida, na base sa immigration records, nasa Pilipinas pa rin si Ang.
Kabilang sa kinasasangkutang kaso ang15 counts ng kidnapping at serious illegal detention at 4 counts ng kidnapping with homicide, na may kinalaman sa umano’y pagdukot at pagpatay sa hindi bababa sa 34 na sabungero.
Subalit sinabi naman ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nakalabas na raw ng bansa si Ang sa pamamagitan ng “backdoor.”
Ang mga biktima diumano ay may ginawang pandaraya sa sa mga sabong na may kaugnayan kay Ang noong 2021 hanggang 2022.
- Latest

















