Hot babe Katya, naging maingat

Ika-23 taon na ngayon ng original Viva Hot Babes na kinabibilangan nina Katya Santos, Andrea del Rosario, Jen Rosendahl, Gwen Garci, Myles Hernandez, Kristine Jaca, Hazel Cabrera, Sheree Bautista at Maui Taylor.
Bilang selebrasyon ay gaganapin ang Viva Hot Babes Bulaklak Concert sa New Frontier Theater sa Oct. 23. Enero nitong taon nang sabihin ni Katya na hindi magkakaroon ng reunion concert ang kanilang grupo. Hunyo naman nang kumpirmahin ng aktres na ipinatawag na ang grupo ng Viva executive na si Vic del Rosario upang pag-usapan ang tungkol sa reunion project. “Yes I said that (na walang reunion concert), kasi that time, early January, we have our own priorities. Especially me, naka-plan talaga ako mag-baby this year. So talagang dinelay ko lang because of the reunion. It’s a very big decision for me to delay it muna for the reunion. I don’t want to be selfish. Sabi ko nga sa kanila, ‘sige gawin natin.’ Then kinausap kami ni Boss Vic, sabi niya, ‘Kung hindi n’yo pa gagawin ngayon, kailan pa?’ That’s why we decided na, ‘Sige, let’s do it,’” nakangitingpahayag sa amin ni Katya sa Fast Talk with Boy Abunda.
Kabi-kabila ang naging proyekto ng Hot Babes mula nang ilunsad noong 2003. Hinding-hindi raw makalilimutan ni Katya ang kanilang naging bonding ng mga kagrupo sa tuwing nasa probinsya. “Ako, Tito Boy, ‘yung work namin outside Manila. ‘Yung mga out of town of shows. Kasi every work na out of town, right after, we celebrate. We drink, we have fun, we go out. Do’n kami mas nagiging close, do’n kami nagsasabihan ng mga problema, ng mga achievements, everything,” kwento niya.
Nagpaseksi man sa mga proyekto noon ay talagang sinikap umanong pangalagaan ng Viva Hot Babes ang kanilang reputasyon. Para kay Katya ay pinakaingatan ng bawat isa sa grupo ang kanya-kanyang imahe. “Kasi siguro from before up to now, parang we always try to be mindful of our movements, ‘yung lahat. ‘Anong gagawin natin? How do we say this? How do you carry yourself properly?’ So pinag-uusapan namin, ‘Oh! Dapat hindi natin ‘to sabihin. Hindi magandang sabihin ‘yung word na ‘yan. So, growing up, gano’n ‘yung naging ano (practice) namin all the time. Kailangan ‘pag lalabas tayo, not because sexy tayo kailangan laging naka-sexy (outfit),” pagbabahagi ng dating sexy actress.
Matatandaang nagsimula si Katya bilang isang child star. Sumikat nang husto ang bata pa lamang noong 1992 sa Ang TV ng ABS-CBN. Sunud-sunod ang naging proyekto ng child star noon. Ikinagulat ng mga tagahanga nang ipakilala bilang miyembro ng Viva Hot Babes si Katya. “Kasi from teeny bopper, ‘Oh my gosh! Anong ginawa nila?’ gag show lang ako dati, Tito Boy. Tapos, biglang, wow! So medyo nagulat po ‘yung mga tao. ‘Yon nga, naiba ‘yung tingin,” paglalahad ni Katya.
Naranasan na rin daw ng aktres na magkaroon ng isang stalker. “Meron akong stalker na talagang natakot na talaga ako sa kanya. Ni-report ko na talaga siya, as in. To the point na nagpa-interview siya na pakakasalan niya ako. Then every time I go here kapag may guesting ako sa GMA, paglabas ko, nando’n siya palagi, nakaabang. So creepy na po ‘yung nangyari that time,” pagtatapat ng aktres.
(Reports from JCC)
- Latest
























