^

Police Metro

Torotot, pito ‘di ok sa Bagong Taon — DOH

Ludy Bermudo - Pang-masa
Torotot, pito ‘di ok sa Bagong Taon — DOH
Ito ang sinabi ni Health Usec. Myrna Ca­botaje sa virtual launching­ ng Tuloy ang Paskong Pinoy 2020: Iwas Paputok Campaign,” mas mainam na umiwas sa SKERI at doon tayo sa KERI na mga paraan.
Val Rodriguez/File

MANILA, Philippines — Dahil sa maaaring mag­buga ng droplets na magdulot ng pagkalat ng COVID-19 ay hindi pina­pahintulutan ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng torotot o pito (whistle) sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ito ang sinabi ni Health Usec. Myrna Ca­botaje sa virtual launching­ ng Tuloy ang Paskong Pinoy 2020: Iwas Paputok Campaign,” mas mainam na umiwas sa SKERI at doon tayo sa KERI na mga paraan.

Ayon kay Cabotaje, ito ay upang maging ligtas ang pagdiriwang ng Kapaskuhan at pagsalubong ng Bagong Taon kaya naman naglabas ng mga alternatibong paraan para sa nasabing mga pagdiriwang.

Isa ang torotot o pito sa hindi  pinapahintulutan ng DOH sa kanilang kampanya sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Sinabi ni Cabotaje na dapat naka-face mask pa rin ang mga tao kahit nagme-merry making o nagsasaya sa Pasko at Bagong Taon.

Sa halip, mayroon silang “Pitong Patok na Alternatibo sa Paputok” ngayong holiday season at ito ay ang sumusunod: Pagpukpok sa kaldero; Pagpalo sa tambol; Pagbusina; Pag-alog ng alkansya; Pagkumpas ng tambourine; Pagpapatugtog ng malakas; at Pag­papa-ilaw ng glow sticks.

Nilinaw naman ng DOH na ang mga lokal na pamahalaan ay maaari pa namang magkaroon ng community fireworks display sa designated area na hindi makakaapekto naman sa kalusugan ng mga tao.

Gayunman, depende aniya ito sa estado ng com­munity quarantine status sa kani-kanilang mga lugar, at dapat matiyak na masusunod ang mini­mum health standards laban sa COVID-19.

COVID-19

DOH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with