^

Bansa

4 bansa, magtatatag ng security hub sa Maynila

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Palalakasin ng Pilipinas, Estados Unidos, Japan, at Australia ang kanilang ugnayang pangseguridad sa pamamagitan ng pagtatatag ng Combined Coordination Center (CCC) sa Maynila.

Kinumpirma ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na gumagana na ang mekanismo ng koordinasyon, bagama’t hindi pa isinasapubliko ang eksaktong lokasyon at iba pang detalye nito. Layunin ng sentro na pabilisin ang pagbabahagi ng impormasyon, pagpapalakas ng maritime awareness, at koordinasyon ng mga operasyong militar ng apat na bansa.

Nabuo ang hakbang matapos ang pagpupulong ng mga kalihim ng depensa ng apat na bansa sa Cebu noong Oktubre 28, kasabay ng ASEAN Defense Ministers’ Meeting-Plus (ADMM-Plus), kung saan napagkasunduan ang mas malawak na kooperasyong pandepensa at mas maraming magkasanib na pagsasanay-militar.

Magiging pangunahing pokus ng CCC ang pagbabantay sa West Philippine Sea (WPS), kasabay ng suporta sa pagpapalakas ng kakayahan ng Armed For­ces of the Philippines (AFP) at pagpapatuloy ng mga aktibidad tulad ng Balikatan at Keen Sword exercises.

Hindi pa inilalabas ang mga detalye tungkol sa estruktura, bilang ng tauhan, badyet, at iskedyul ng operasyon ng sentro, ngunit inaasahang magi­ging mahalagang bahagi ito ng pagtugon sa mga hamong pangseguridad sa West Philippine Sea at sa rehiyon.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with