^

Probinsiya

Kuya nagbanta sa pamilya, ginilitan ni bunso!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Kuya nagbanta sa pamilya, ginilitan ni bunso!
Ang biktima ay kinilala lamang sa pangalang “Jon,” 28-anyos, binawian ng buhay sa tinamong malalim na hiwa ng patalim sa kaniyang leeg habang ang suspek ay tinukoy lang sa pangalang “Jun.”
STAR / File

MANILA, Philippines — Umabot sa sukdulan ang galit ng isang 22-anyos na lalaki sa nakatatanda nitong kapatid na ginilitan nito sa leeg matapos ang mainitang pagtatalo sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Tabid, Ozamiz City, Misamis Occidental, ayon sa ulat kahapon.

Ang biktima ay kinilala lamang sa pangalang “Jon,” 28-anyos, binawian ng buhay sa tinamong malalim na hiwa ng patalim sa kaniyang leeg habang ang suspek ay tinukoy lang sa pangalang “Jun.”

Sa report ng Ozamis City Police, nangyari ang krimen sa loob ng tahanan ng pamilya sa nasabing lugar bandang ala-1:35 ng hapon nitong Nobyembre 22.

Ayon sa imbestigas­yon, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng suspect at ng biktima dahil sa pagbabanta ng una sa buhay ng mga miyembro ng kaniyang pamilya.

Nabatid na mainitin ang ulo ng biktima na sa tuwing magagalit ay pinagbabantaan umano ang mga miyembro ng kaniyang pamilya na ­kaniya umanong sasaktan.

Dahil dito, nagdilim ang paningin ng suspect na kumuha ng matalim na kutsilyo sa kusina at ginilitan sa leeg ang kuya.

Ang suspect ay mabilis na tumakas matapos mapatay ang kaniyang nakatatandang kapatid, pero nasakote siya kaagad ng mga nagrespondeng pulis sa kaniyang pinagtataguan sa Brgy.Guimad ng nasabing lungsod.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with