Trust, performance ni Pangulong Marcos bumaba

MANILA, Philippines — Bumaba ang trust at performance ratings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ayon sa pinakabagong survey ng OCTA Research.
Batay sa resulta ng survey, mula sa 49% trust rating na naitala noong ikalawang quarter ng taon, bumaba ito sa 45% sa ikatlong quarter.
Nabawasan din ng tatlong puntos ang performance rating ng Pangulo, mula 47% noong ikalawang quarter hanggang 44% sa ikatlong quarter.
Samantala, halos hindi nagbago ang trust at performance ratings ni Vice President Sara Duterte. Nananatili sa 48% ang kanyang trust rating habang nasa 46% naman ang kanyang performance rating.
Isinagawa ng OCTA Research ang survey mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 4 sa 1,200 respondent na may edad 18 pataas.
Mayroon itong ±3% margin of error sa 95% confidence level.
- Latest




















